Freezer double-murder suspect most wanted sa NE

NABIGLA si PNP Regional director P/Chief Supt. Francisco Villaroman ng Police Regional Office No. 2 nang madiskubre na ang kanilang nadakip na tinaguriang freezer double murder suspect ay itinuturing na No. 2 most wanted criminal sa Nueva Ecijia.

Ito ang dahilan kaya pinapurihan din ni Villaroman ang pamunuan ng PNP San Mateo at PNP Isabela sa pagkaaresto Ben Fajardo Corpuz na suspek sa pagpatay sa dalawang babae at isinilid sa loob ng freezer.

Ayon kay Villaroman, lubha niyang ikinatuwa ang panibagong accomplishment ng PNP sa Isabela.

Sa report ni Villaroman, kay PNP Chief Director Gneral Raul Bacalzo mapanganib si Ben dahil maliban sa kanyang kaso sa Laguna, siya rin ang itinuturing na ika-No. 2 most wanted person sa Nueva Ecija na may patong sa ulo na P100,000 dahil sa kasong murder.

Nabatid kay PNP chief Public Information Officer P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. si Corpuz ay may standing warrant of arrest sa sala ni Judge Nelson A Tribiana RTC Br 37 Sto Domingo Nueva Ecijia dahil sa kasong robbery with homicide at double frustrated homicide noong Setyembre 2008.

Sinabi pa ni Cruz na dapat lamang hindi na makawala pa sa kamay ng mga alagad ng batas si Corpuz dahil maaaring makagawa pa siya ng mas mabigat na krimen sa iba pang lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply