Gabby mas pinili ang Kapatid Network kaysa Kapamilya

KAPATID na nga si Gabby Concepcion dahil ang balitang first project ng aktor sa nasabing istasyon ay ang remake ng classic hit movie nila ni Sharon Cuneta na PS I Love You.

Gagampanan ni Gabby ang role na ama ni AJ Muhlach na siyang bida at gaganap ng dating role niya.

Nakatsikahan  namin si AJ thru VAA (Viva Artists Agency) kasama ang mga kasamahan niya sa ‘Bagets’ na sina Aki Torio at Josh Padilla na pawang mga VAA talents, at excited ang bagets na siya ang napili para gampanan ang dating role ni Gabby at makakasama pa niya mismo ang aktor.

“Kaya nga po, sabi ng daddy (Cheng Muhlach) ko, ‘o, gagawin mo ‘yung role ni Gabby sa PS I Love You, magaling ‘yan,’” kwento ni AJ.

Isang malaking karangalan daw sa kanya na siya ang mapili for the lead role at very thankful siya sa management sa pagbibigay ng mga magagandang break sa kanya.

As a newcomer, sobra-sobra nga ang swerte ni AJ dahil tatlo-tatlo ang shows niya sa TV5 – Bagets, Hey It’s Saberday at ito ngang PS I Love You na nakatakda pa lang nilang simulan.

Ang kapareha niya sa Bagets na si Nadine Lustre of Pop Girls ang siya ring makaka-partner ni AJ sa PS. I Love You.

Natanong nga namin sa nakababatang kapatid ni Aga Muhlach kung hindi ba siya nade-develop kay Nadine at aniya, sa ngayon daw ay hindi na muna niya ito iniisip dahil sa rami ng trabaho niya.

Nagkaroon na rin naman daw siya ng girlfriend before pero sa ngayon ay career daw muna ang pinaglalaanan niya ng panahon at oras.

***

Handang handa nang sumabak sa World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Amerika ang mga Ultimate Talentado ng Talentadong Pinoy na sina Joshua Davis a.k.a Yoyo Tricker at Joseph the Artist ngayong darating na Hulyo 15-23. Sila ay makikipagtagisan ng galing laban sa mga representatives ng halos limampung bansa sa Westin Bonaventure Hotel, Los Angeles, California sa ilalim ng Junior at Senior Variety Category.

Ito ay katatampukan ng mga kalahok na may edad 16 pataas na magpapakita ng iba’t ibang performances at gagamit ng mga natatanging props.

Magpapakitang-gilas sa kani-kanilang angking talento, si Joseph sa pagpinta gamit ang sand at si Joshua naman, sa pagpapakita ng mga kakaibang exhibitions gamit ang yoyo.

Ang mananalo sa tinaguriang Talent Olympics ay tatanghaling Grand Champion Performer of the World.

Matatandaang sina Joshua Davis a.k.a Yoyo Tricker at Joseph the Artist ang tinanghal na Philippines’ Ultimate Talentado sa Season 1 at 2 ng Talentadong Pinoy ng TV5. Dahil sa natatanging karangalang ito, pakatutukan ang isang espesyal na send-off presentation para sa kanila ngayong darating na Linggo bago ang kanilang pag-alis ng bansa kasabay ng iba pang delegates.

Abangan ngayong Linggo sa Talentadong Pinoy ang paghahandog ni Joseph the Artist ng isa na namang nakakaantig-pusong production number na sasabayan naman ng pag-awit ni Gerald Santos. Wag palalampasin ang espesyal na episode na ito sa Talentadong Pinoy ngayong Linggo, July 10, 8:30 ng gabi sa TV5.

***

Isang magandang buhay na ang nasa kanya pero paano kung sa isang iglap mawala itong lahat kapalit ang pambihirang pagkakataon na makita ang katotohan, malantad ang kataksilan, at mapatunayan ang tunay na pag-ibig?

Simula ngayong Lunes (July 11), inihahandog ng ABS-CBN ang pinag-usapan at kakatapos lamang na serye sa Korea na magpapatunay na walang halaga ang buhay kung walang tunay na pagmamahal— ang Pure Love.

Perpekto ng maituturing ang buhay ni Dianne (Nam Gyu-Ri) pero biglang mawawala ang lahat ng ito nang siya ay maaksidente at na- comatose.

Hindi pa talaga oras mamatay ni Dianne kaya naman binigyan siya ng pagkakataon para muling mabuhay sa isang kondisyon— sa loob ng 49 days, kinakailangan niyang makahanap ng tatlong tao bukod sa kanyang kapamilya na luluha nang totoo para sa kanya.

Huwag palalampasin ang Pure Love, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Biggest Loser Pinoy Edition sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply