Garci ‘babalatan’ ng NBI

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na tanging ang National Bureau of Investigation (NBI) lamang ang may kakayahan upang tuluyan nang “mabalatan” si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano upang lumitaw ang katotohanan ukol sa kanyang partisipasyon sa dayaan noong 2004 presidential election.

Ayon kay Escudero, kailangan nang kumilos ang NBI sa pamamagitan ng pagsusuri o pagsasagawa ng voice analysis sa “Hello, Garci” tapes upang tuluyan nang matukoy kung sino talaga ang nagsasalita dito.

“Given his denial, I urge and call on the NBI to conduct voice analysis, perhaps with the help of their foreign counterparts if necessary, to find out who the voices in the Garci tapes are,” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na kahit marami nang nagtuturo sa kanyang partisipasyon sa nangyaring dayaan noong 2004 presidential election, kabilang ang pagbubulgar ng ilang personalidad na inatasang mandaya, patuloy ang pagsisinungaling ni Garcillano.

“It seems he has not mellowed down a bit, the years notwithstanding,” ayon kay Escudero.

Aniya, unti-unti nang lumalapit sa katauhan ni Garcillano at dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nangyaring dayaan.

“The noose is slowly closing in on them given the recent and coming revelations, and his recent denial notwithstanding,” aniya.

Dahil dito, mahigpit na hinikayat ni Escudero ang dating opisyal ng Comelec na magsalita na at ilantad ang buong katotohanan sa nangyaring dayaan noong 2004 bago siya makopo ng sitwasyon na wala na siyang lulusutan.

“I urge him to tell all and clear his chest before it closes and he is caught alone holding the bag,” giit ni Escudero.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply