Garci isampol vs electoral fraud – Alan

NANINIWALA si Senate minority leader Alan Peter Cayetano na maraming testigo at ebidensiya ang lulutang kung sasampolan ng administrasyon si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano na maipakukulong hinggil sa dayaan sa halalan.

Ayon kay Cayetano,  dapat kasuhan at maipakulong na si Garcillano hinggil sa dayaan noong 2004 Presidential election at 2007 senatorial elections upang matuldukan na ang “malagim” na pangyayari sa kasaysayan.

“Dapat tuluyan nang kasuhan si Garci at ang mga Masterminds ni Dayaan ng 2004 at 2007,” aniya.

“Maraming gustong tumestigo at magbigay ng ebidensiya. Inaantay lamang nila kung credible ang magiimbistiga at kung seryosong kakasuhan ang mga salarin,” dagdag ni Cayetano.

Ayon sa senador, hindi takot si Garcillano na magsalita hinggil sa naganap na dayaan noong 2004 at 2007 dahil malalim ang sindikato ng election operators at mandaraya sa bansa.

“Hindi lamang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo  ang nakinabang sa dayaan kundi maraming mga politiko ang nakikinabang din sa dayaang ito,” aniya.

Ngunit, hindi umano mabubuwag ang sindikato sa loob ng Comelec kung hindi bibigyan ng sampol ng administrasyon ang mga personalidad na sangkot sa dayaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply