Garcillano: ‘Hindi ako nandaya!’

TASAHANG itinanggi ni dating Commission on Elections (Comelec) Commisioner Virgillo Garcillano na may nalalaman siya sa umano’y dayaan noong 2004 presidential elections.

Sa isang press conference na ginaganap sa kanyang tahanan sa lalawigan na Bukidnon, mariing sinabi niya na wala siyang alam sa sinasabing dayaan sa eleksyon.

Idinagdag niyang hindi siya tiyak kung kanya nga ang boses na narinig sa lumabas na wiretapped phone conversation na kausap ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan ay pinag-usapan ang bilang ng mga boto ng huli kumpara sa kalaban na yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr.

Pinabulaanan rin ni Garcillano na tumanggap siya ng pera mula sa kampo ni Arroyo, na ngayon ay kinatawan na ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Hindi rin umano siya nagtatago dahil sa naturang isyu, ngunit inamin niya na umiiwas siya kay Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply