Garcillano ‘kakanta’ na sa 2004 poll fraud

ISINASAGAWA na ang press conference para sa kontrobersyal na dating Commission on Elections (Comelec) Commisioner Virgilio”Garci” Garcillano sa lalawigan ng Bukidnon ngayon, Sabado.

Ang nasabing paglantad ni Garcilliano ay upang bigyang-linaw ang mga paratang na ibinabato sa kanya ukol sa umano’y dayaan sa 2004 presidential elections.

Matatandaan na nasangkot ang pangalan ng dating komisyoner matapos na lumabas ang isang wiretap phone conversation nito kay dating Pangulong at ngayong ay Pampanga Rep. Gloria-Macapagal-Arroyo na tinaguriang “Hello, Garci” scandal, ukol sa kalagayan ng boto nito laban kay Fernando Poe, Jr., noong 2004 election kung saan nanalo si Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply