Garcillano susi sa dayaan sa 2004 elections

TIWALA Si senador Francis Escudero na lalantad na rin si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano para patunayan ang mga ibinulgar nina dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at dating election supervisor Lintang Bedol na dayaan sa halalan.

Sinabi ni Escudero na si Garci ang tanging susi sa matagal ng pagtatago sa katotohanan sa nangyaring dayaan noong 2004 presidential elections.

Naniniwala si Escudero na si Garci ay direktang may kontak kay dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa panahon ng halalan at siya ang taong maaaring magturo rito na may pananagutan sa nangyari.

Gayunman, kung hindi naman lilitaw si Garcillano, iginiit ni Escudero na pwedeng isailalim sa voice analysis ng NBI ang Hello Garci conversation na inirekord ni dating ISAFP agent T/Sgt. Vidal Doble.

Samantala, ipinakita naman ni Escudero ang video documentary na nagpapatunay sa nangyaring dagdag-bawas operations sa boto ni Da King Fernando Poe, Jr. sa maraming probinsya sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply