Gas dealer kinasuhan ng tax evasion sa DOJ

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang isang gas dealer ng Gerona,Tarlac  dahil sa pagkabigong magsumite ng tamang impormasyon sa kanyang income tax return noong 2007 at 2008 na isang paglabag sa tax code of 1997.

Kinasuhan din si Carlo Sera dahil sa pagkabigong magsumite ng value added tax (VAT) returns para sa taxable year 2009, perjury,at pagkabigong magparehistro bilang VAT taxpayer na isang paglabag din sa nabanggit na tax code.

Lumitaw sa imbestigasyon ng BIR na mababa ang idineklara ni Sera na halaga ng gasoline products na binili nito sa Total Philippines Corp. noong 2007 at 2008.

Sa kabuuan, umaabot sa P82.54 milyon ang hindi binayarang buwis ni Sera sa gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply