Regular gasoline, kerosene ng Shell tataas ng 50 sentimos

MAGDAGDAG ng 50 sentimos ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. sa kada litro ng kanilang regular na gasolina at kerosene ngunit babawasan naman ang presyo ng unleaded gasoline ng 30 sentimos.

Ang nasabing dagdag-presyo sa kanilang produkto ay epektibo bukas, Martes. Ayon sa korporasyon, ito ay bunsod nang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Hindi naman magbabago ang presyo ng kanilang diesel products.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply