Gawing negosyo raw?

NAGLABASAN ang iba’t ibang panawagan tulad ng pag-privatize daw sa PCSO na ang ibig sabihin ay ibigay na sa pribadong mga indibidwal o mga pribadong grupo ang pagpapatakbo sa PCSO.

Nagdududa ang iba sa mungkahing ito.

Ang sabi ng mga pabor sa privatization wala daw kakayahan ang gobyerno para patakbuhin ang PCSO.

Mas mapagkakatiwalaan daw ang mga negosyante o mga pribadong indibidwal.

Ang tanong naman ng mga kontra sa privatization, may maidudulot ba na buti sa bayan kapag hindi na gobyerno at mga pribadong negosyante na ang may hawak sa PCSO?

Pinagdududahan na may vested interests ang mga nagsusulong ng privatization dahil mala-ki ang kita rito at kapag sinabing negosyo, papasok agad sa isip natin na mamumuhunan ang pribadong mga indibidwal

hindi para magsilbi sa bayan kundi para kumita.

Sa totoo lang, nagsimula ang usapan at mga mungkahi na baguhin ang pagpapalakad sa PCSO noong mabulgar ang korapsyon at mga pag-abuso sa kaban ng PCSO.

Walang problema o gusot sa pagpapatakbo nito dahil lumaki pa ang assets o pag-aari ng PCSO.

Ang problema talaga ay may mga naging gahaman at may mga mapagsamantala na may kakayahang pakialaman ang pera ng PCSO.

Bakit hindi na lamang ayusin ang problema ng korapsyon sa PCSO.

Pwede naman gawin na maging transparent ang pagpapatakbo dito at gawing mahirap para sa isang indibidwal ang magnakaw sa loob.

Ang hinala nga ng iba, kaya iminumungkahi ang privatization ay para pagsamantalahan ng iilan lang ang laki ng kita ng PCSO.

Kapag na-privatize pwedeng mawalan ng halaga ang pagtulong sa mahihirap.

Paano mo mapipilit ang mga negosyante na ibigay ang mas malaking kita ng PCSO sa mahihirap kung sila ang namuhunan dito?

Masakit namang isipin na hindi natin kayang sugpuin ang korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno.

Para sa akin, ang inspirasyon sa pag-aayos sa problema ay magmumula lang sa isang hindi korap at isang mapagkakatiwa-laang liderato.

Maganda ang intensyon ng tunay na mandato ng PCSO, ang tumulong sa mga mahihirap.

Mapapahamak ba ang mandatong ito kapag ginawang pribado ang PCSO o mas mapagtitibay?

Ano sa palagay ninyo?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply