Generals pinasaludo ang Arellano Chiefs

NASUNGKIT ng Emilo Aguinaldo College Generals ang unang panalo sa pagpapayuko sa Arellano University Chiefs sa pangalawang araw ng kompetisyon ng NCAA 87th Season sa The Arena, San Juan City noong kahapon, Lunes.

Ang panalo ay magandang aginaldo ng Generals kay coach Gerry Esplana na unang pagwawagi mula ng halinhinan si head coach Nomar Isla.

Isang come-from-behind na 50-59 ang hinabol ng Generals at nang rumatsada sila ng 34 puntos sa payoff period ay naitala nila ang 84-77 panalo.

Pinisak ng guest team Lyceum Pirates ang St. Benilde Blazers, 75-63, sa inisyatibo nina Chris Cayabyab at Allan Santos na pumuntos ng 20 at 19, ayon sa pagkakasunod.

Hindi nakaporma ang Blazers na top scorer na si Carlo Lastimosa, pamangkin ng PBA shooter Jojo Lastimosa dahil hindi nakalaro sa impeksyon sa lalamunan.

Lubos ang kaligayahan ni Esplana sa unang panalo niya bilang coach sa collegiate basketball league. Si Esplana ay dating player na nakilala sa PBA teams na Presto, Shell at Sta. Lucia noong kasiglahan niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply