Generals sinakmal ng Red Lions

UMAYUDA sa opensa si Garvo Lanete upang sagpangin ng defending champions San Beda Red Lions ang Emilio Aguinaldo College Generals, 103-62 sa 87th season ng NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan, kahapon, Biyernes.

Rumenda ng 32-point career performance ang sweet shooting guard Lanete kasama ang five rebounds at four steals upang manatiling malinis at samahan ang San Sebastian College Stags sa top spot ng team standings na may tig 5-0 slate.

Umarangkada agad si Lanete ng 30 puntos upang tambakan ang Generals, 77-49 sa pagtatapos ng third canto.

Sa fourth quarter ay hinayaan na lamang ni Lanete ang mga kakampi na umiskor sa opensa matapos itong sumalpak ng two points lamang.

Pumangalawa kay Lanete sa scoring si Adler Dela Rosa na may 17 puntos at four assists habang nag-ambag din sina David Marcelo at Baser Amer ng tig-11 puntos.

Bumira si Lanete ng 13-of-20 field goal, (80%) sa 23 minutong paglalaro upang ilista ng Red Lions ang pinakamalaking tambak sa kanilang mga nakalaban.

May 2-3 win-loss card ang EAC kung saan ay kasalo nila ang Jose Rizal University Heavy Bombers at College of Saint Benilde Blazers sa fifth to seventh spot.

Si Jan Hamon ang top scorer sa Generals na may 13 puntos, five boards at isang assist habang bumira rin sina Claude Cubo at Russell Yaya na may tig-11 puntos.

Samantala, ang junior ng San Beda College na Cubs ang nagsosolo sa tuktok ng team standings na may 5-0 panalo-talo baraha matapos nila paluhurin ang Brigadiers, 87-59.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply