Genuino ‘gigisingin’ sa isyung P1-B kape

TINIYAK ni Sen. Teofisto Guingona III na “gigisingin” ng Senado ang diwa ni dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chairman Efraim Genunino upang mailantad ang katiwalian kaugnay sa gastos ng kumpanya na P1 bilyon para sa kape.

Sa panayam, sinabi ni Guingona na malapit nang gisingin ng Senate Blue Ribbon Committee ang matagal nang natutulog na diwa ni Genuino hinggil sa nasabing pagkagastos kapag napasakamay nito ang dokumentong magpapatunay sa umano’y maanomalyang transaksyon.

Aniya, nangako si Pagcor chairman Cristino “Bong” Naguiat Jr. na dadalhin kaagad sa komite ang mga dokumento hinggil sa ginastos ng Pagcor sa kape mula 2001.

Sinabi ni Guingona na oras na matanggap na nila ang mga dokumento ay maaari na nilang simulan ang imbestigayon sa diumano’y overpricing.

“Hihintayin namin ang papeles galing sa Pagcor at sabi naman nila ipapadala nila,”wika ng senador.

Hindi naman inintindi ni Guingona ang patutsada ni Genuino na nagkamali ng kuwenta ang Malakanyang dahil hindi naman totoong nagkaroon ng overpricing sa kape.

Payo ni Guingona, dumalo na lamang sa pagdinig ng kanyang komite si Genuino upang doon siya lubos na magpaliwanag ang isyu, lalo na ang sinasabing maling komputasyon ng Malakanyang.

Lumaki ang gastos ng Pagcor sa kape simula nang maupo si Genuino bilang chairman noong 2001.

Matatandaang ibinunyag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang state of the nation address (SONA) noong Hulyo 25 ang nakalululang ginastos ng Pagcor sa kape.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply