Gesta binantaan ni Pimentel

BINANTAAN ni Mexican Jorge Pimentel (22-11 1NC, 17 KO’s) si Pinoy unbeaten lightweight Mercito Gesta (21-0-1, 10 KO’s) na babasagin niya ang mukha nito sa paghaharap nila sa Linggo.

Ang dalawa ay magsasagupa sa loob ng walong rounds sa undercard ng Brandon Rios-Urbano Antillon fight sa Home Depot Center sa Carson.

Nabatid na ang orihinal na ilalaban sana kay Gesta ay si Francisco Lorenzo.

Subalit ayon kay Top Rank Vice President of Boxing Operations Carl Moretti, hindi naayos ang US visa ni Lorenzo dahilan upang umatras ito sa laban.

Nangako naman si Gesta na hindi siya magpapatalo kay Pimentel at hindi niya ipapahiya ang kanyang mga kababayang Pinoy sa Estados Unidos.

Samantala, sa nasabing event ay sasagupa si dating Notre Dame champion Mike Lee (5-0, 3 KOs) kay Michael Birthmark (2-5, 0  KOs) sa light heavyweight bout habang si promising super bantamweight Gabino Saenz (3-0, 3 KOs) ay itataya ang malinis na record sa pagharap naman kay Quinice Wesby (1-1, 0 KOs) ng Dallas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply