Ghost bridge, ghost school, ghost teacher

KUNG mayroon mang nakakuha ng ating atensyon sa State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy kahapon, kabilang na riyan ang ukol sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ng Pangulo, 80 porsiyento ng pondo para sa ARMM ang grabeng kinorap.

Diyan matatagpuan ang grabeng ghost bridge, ghost school at ghost teacher.

Kaya naman, grabe ang kahirapan sa lugar at grabe ang kamangmangan.

Pero diyan umusbong ang mga sobrang yaman na mga pulitiko.

Sa pagsasaayos ng ARMM sa pamamagitan ng pagsuspinde ng halalan at pagsasabay nito sa mga pambansa at lokal na halalan, inaasahang maisasaayos ang lahat.

At makararanas din sa wakas ang mamamayan sa ARMM ng pagbabago at ginhawa.

Sino ang hindi sasang-ayon diyan?

Pero ang salita ay iba sa gawa lalo na sa pulitika sa mahal kong Pinas.

Pero ipanalangin na rin natin na magtatagumpay si PNoy sa ARMM para hindi na maulit ang mga masaker diyan.

Ayaw na nating maulit ang pagkaubos ng lahi ng mga mamamahayag sa lugar na yan sa kamay ng mga nagsipagyaman at naging makapangyarihan sa sobrang korapsyon.

UTAK-ALIMANGO

Itong utak-alimango na paghahatak-pababa ng  kapwa at waisan sa pagka-karoon ng puwesto at biyaya ang mahirap-hirap na bakahin, anoman ang salita ni PNoy laban dito.

Tingnan ninyo, sa Kamara lang, may alimanguhan diyan sa pagiging malapit sa Speaker o kay PNoy mismo.

May power struggle o may sipsipan lalo na sa pagkuha ng pork barrel.

Sa kasalukuyan, may nagsisiiyakan at walang iba kundi ang mga walang pork barrel.

Ibinabatay umano ang pagkakaroon ng pork barrel sa ginawa ng mga kongresman noong may kasong impeachment laban kay Ombudsman Mercy Gutierrez.

Ang lahat umano ng nagpro-Mercy ay hindi nakakukuha ng pork barrel.

Hindi ba masamang wangwang at grabeng utak alimango ang sistemang ganito?

Iba ang salita sa gawa, Mr. President!

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply