Ghost cops uso sa QCPD

TRANSFORMATION ang isinisigaw ng Philippine National Police na pilit nitong itinatanim sa isipan ng mga tao. Binabago ng pamunuan ng pambansang pulisya ang mga maling nakasanayan ng mga alagad ng batas na kanilang natutuhan o nakuha mula sa mga naunang nagpatakbo ng ahensiya.

Kaya naman gumagawa ng paraan ang Camp Crame upang linisin ang hanay ng pulisya mula sa mga tiwali subalit hanggang ngayon ay talamak pa rin ang mga pulis na may masasamang record at hindi pumapasok subalit sumusuweldo sa pamahalaan.

Sa Quezon City Police District, pinagtutulungan nina Chief Supt. George Regis, district director, at Supt. Arnel Olivares, district personnel and resource management chief, na linisin ang talaan ng mga pulis sa pamamagitan ng paghihigpit at araw-araw na pagpapa-check ng attendance ng mga pulis.

Subalit kahit anong higpit  ang gawin ng dalawang opisyal ay nalulusutan pa rin sila ng mga tao lalo na sa istasyon.  Paano kasi, hindi na nila control ang pagkuha ng tala ng mga taong pumapasok at hindi. Bakit? Kasi naman po, mga hepe na ng istasyon ang nagbibigay ng proteksyon sa mga pulis na hindi pumapasok.

May pakinabang kasi ang mga hepe sa “ghost cops.” Paano? Siyempre, hatian sa suweldo ang laban na hinihingi ng hepe mula sa kanilang tao na ayaw pumasok at magserbisyo sa gobyerno. Mas malaki nga naman ang kita ng ghost cops sa kanilang “sideline” tulad ng pag-eescort sa mga negosyante na handang gumastos ng hanggang P50,000 sa kanilang suweldo.

Kung sumusuweldo ang isang pulis ng P20,000 sa isang buwan, P10,000 ang sa hepe. Kapag may alaga siyang sampu (10) ghost cops, maliwanag na P100,000 sa isang buwan ang kita ng hepe nang walang kahirap-hirap maliban pa sa kita niya sa ilang iligal na gawain sa kanyang area of responsibility. Kaya naman pala sa loob ng ilang buwan ay nakabibili ng magagarang sasakyan, nakapagpapagawa ng marangyang bahay at may pera sa bangko ang mga tiwaling opisyal na dati-rati ay hindi makabuhay ng isang pamilya. Ngayon, kahit tatlo pa ang kanilang binubuhay na pa-milya ay kayang-kaya.

Maimbestigahan sana itong mabuti ng QCPD hierarchy upang hindi naman maging kawawa ang mga pulis na nababagoong sa duty dahil sa kawalan ng kanilang kasa-mahan na bumabayad sa hepe upang makaligtas sa trabaho.

Dapat daw itong paimbestigahan ni National Capital Region Police Office chief Director Allan Purisima dahil maging sa kanyang nasasaku-pan ay usong-uso ito. Talamak ang mga pulis na hindi pumapasok sa Bicutan na ibinabayad na lang ang kalahati ng kanilang suweldo dahil lugi pa raw sila sa pamasahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply