Gin Kings sinibak ang Air21 Express

OPISYAL na pinatalsik ng Barangay Ginebra ang Air21 Express sa mantalang nakaiwas ang Alaska Aces sa maagang pagkakapusoy ng talupan nila ang Powerade Tigers sa PBA Governor’s Cup sa Big Dome Biyernes ng gabi.

Ang best of the game na si Mark Caguioa ay gumawa ng 21 na sinundan nina John Wilson 14; JC Intal, 13 at Ronald Tubid, 11, sa nakapapanabik na 89-87 laro.

Sa panig ng Express sina Carlo Siarma (19), Winnie Arboleda (17) at KG Cañaleta (12) ang nagbigay ng sakit ng ulo kay Gin Kings coach Jong Uichico na nakipagpalitan ng buslo hanggang sa huling segundo ng laro.

Magandang aginaldo kay birthday-boy LA Tenorio na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon ang panalo ng Aces laban sa Powerade Tigers, 78-70, tungo sa pag-iwas ng Tropa ni coach Tim Cone sa maagang eleimination.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply