Gin Kings sumampa sa third place

NAKAAHON sa pagkakabalaho at paghahabol sa last quarter bago tuluyang maitabla sa 103 sa regulation at sa kabayanihan ni Larry Rodriguez na bumuslo ng triple sa pagtatapos ng apat na quarter ay naalisan ng kuryente ng Rain Or Shine ang Meralco Bolts sa iskor na 116-113.

Sa kaagahan ng third canto ay umabante ang Elasto Painters, 58-38, nang buweltahan ng Bolts at makuha ang abante 103-106 may ilang segundo ang nalalabi sa laro.

Sina import Arizona Reid, Jeff Chan, Larry Rodriguez at Ronjay Buenafe ang nagtulung-tulong para sa pangunguna ng Rain Or Shine.

Sumampa na sa third place ang Ginebra Gin Kings kasunod ng pagpapayuko sa B-Meg Llamados 89-85 sa kabila ng wala ang kanilang import na si Curtis Stingson at ang playmaker na si Willie Miller. Nagpalitan ng busluan ang dalawang koponan hanggang unti-unting umarangkada sina Mark Caguioa at Winnie Willer para dalhin sa panalo ang all-Filipino Barangay Ginebra at tuluyang pabagsakin ang Llamados.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply