Gin Kings vs Elasto Painters sa PBA elims closing

ISASARA ngayong gabi ang elimination phase ng PBA Governor’s Cup sa banggaan ng Rain Or Shine

at Ginebra San Miguel na puntirya ang second place sa pagpantay sa Alaska Aces at Petron Blaze Boosters na tangan ang 5-3 win-loss slate para makasunod sa Tropang Texters na nasa tuktok ng 9-team standings.

Ang huling laro sa pagitan ng Meralco Bolts at Powerade Tigers na nauna ng nasibak sa kanilang 3-4 record ay gaganapin alas 5:30 ng hapon.

Ang banggaan ng Gin Kings at Elasto Painters ay naglalayong masungkit ang magandang record tungo sa semifinal round na dadalhin ang panalo sa carryover format sa susunod na round na magsisimula sa Biyernes.

Tampok sa Gins-RoS battle ay ang paghaharap ng mga import na sina Donald Sloan ng Gins at Arizona Reid ng RoS. Ipaparada rin ni coach Jong Uichico ang pinakabagong recruit na si KG Canaleta mula sa B-Meg kapalit ni dating MVP Willie Miller.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply