Ginagawa ni PNoy ang nararapat

MILYONG Mang Juan at Aling Maria ang tumunghay sa ikalawang State  of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino lll noong Lunes.

Tulad ng inaasahan, may sumang-ayon at ‘di sumang-ayon sa ulat at mga ipinahayag ng Pangulo sa kanyang SONA.

Sa demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, ang lahat ay may karapatang magpahayag ng kanilang damdamin.
Talagang ganon!

Pero sa nakikita natin, dapat siguro tayong magpasalamat na dahil – in fairness, nagtatrabaho si PNoy para mapabuti ang bansa.

Sa obserbasyon kasi ng Chokepoint, marami nang nagawa ang kasalukuyang adminIstrasyon sa kabila ng pagiging isang taon pa lamang sa panunungkulan.

Klaro na tinutugunan ni PNoy  ang mga problema ng bansa na iniwan ng nakaraang administrasyon.

Isang accomplishment na nagpapatunay na ginagawa ng administrasyong Aquino ang nararapat ay ang natipid na P12 bilyon mula sa kaban ng bayan.

Naipon ito mula sa mga pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na inilaan noong nakaraang taon, na ‘di nakurakot ng mga korap.

Ang bilyong perang natipid na ito ay gagamitin ng PNoy administration sa iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno.

Kung sa nakaraang mga administrasyon ang peace process ay ‘di gumagalaw, sa liderato ni PNoy, ito’y sumusulong na.

Ang extra-judicial killings ay isang problema na dapat maresolba at nakikita natin na sa kasalukuyang gobyerno, nakikita natin na tinatrabaho ito.

Patunay ay ang pagkatatatag ng Special Task Force on Judicial Killings at Enforced  Disappearances na magrerebyu at tututok sa mga kaso para mapabilis ang imbestigasyon, paghahabol sa mga nagkasala at resolusyon ng mga kaso.

Ang problema sa bigas ay isa pang sakit ng ulo na iniwan kay PNoy, subali’t tinutugunan na ngayon ng DA at NFA administrator Lito Banayo.

Ang rice imports ay  bumaba ng 80% dahil sa repormang pinaiiral ng Aquino administration.

Isang pang pinagtutuunan ngayon ay ang pagpapatatag ng power supply, partikular sa Visayas kung saan ang kuryente ay naging mura na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply