Ginang sinaksak sa pintuan ng bahay

KRITIKAL ang kalagayan ng isang ina matapos itong dalawang ulit saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay nagbubukas ng pinto ng kanyang bahay Linggo ng gabi sa Sitio Pulo, Barangay Tanza, Navotas City,

Ang biktima na nakaratay at ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng dalawang malalim na saksak sa tiyan at leeg ay nakilalang si Rechelle  Into.

Agad inatasan ni Sr. Supt. Florendo Quebuyin ang kanyang mga tauhan para sa agarang pagdakip sa tumakas na salarin.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P01 Allan Bangayan ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas Police, dakong alas-11:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa pinto mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa ulat, nakarinig ang biktima ng ingay sa labas ng kanyang bahay at dahil dito ay binuksan niya ng kanyang pinituan para alamin ang ingay subalit sa hindi malamang dahilan ay agad itong pinagsasaksak ng suspek,

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na patalim habang ang biktima naman ay agad dinala ni Aling Rosemarie, step mother ng biktima, sa nasabing pagamutan.

Patuloy ang isnasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang tunay na motibo sa tangkang pagpatay sa biktima. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply