Giyera patani at martilyo gang sa giyera ng Pinas

INANG ko po! Ano na ba talaga ang nangyayari sa mahal kong Pinas?

Saang kangkungan ba talaga tayo pupulutin?

Halimbawang may giyera tayo sa Spratlys at sinasakop na ng iba ang itinuturing nating teritoryo natin doon, hanggang laway lang pala tayo.

Yang world class na tawag natin sa ating mga militar at pulis ay kasinungalingan lang pala.

PHILIPPINE AIRFORCE

Wala na pala tayong eroplano na fighter jets. Inilagay na pala sa junkshop ang mga eroplano natin na bumubuo ng blue diamonds noong panahon ni Manong Ferdie.

Meron namang trainer jets na bomber kuno pero maya’t maya ay bumabagsak naman. Hindi naman mapagkakatiwalaan ang mga galing sa Vietnam na helikopter dahil bumabagsak din ang mga ito nang wala sa oras.

Pawang mga lumilipad na kabaong ang mga eroplano natin ngayon. Dahil bukod sa luma
na ang mga ito, ukay-ukay pa.

May pag-asa naman sana tayo sa mga helikopter ng Philippine National Police.

Pero palyado raw naman ang dalawa dahil galing din sa ukay-ukay.

Paano tayo makararating sa Spratlys sa ere at makikigiyera sa ganitong kalagayan ng puwersang pangkala-wakan ng mahal kong Pinas?

NAVAL FORCE

May puwersa naman tayo na battle ship na ipinadala sa Spratlys, ang BRP Rajah Humabon. Pero 50 anyos na ito at uugod-ugod nang barkong pandigma.

Hindi natin alam kung pagtiktik kalawang natin dito ay basta na lang magiba ang mga dingding at sahig nito.

At kung magpapaputok ng kanyon ay baka basta na lang magkalasan ang mga parte nito
at lulubog na lang na walang gagawin ang mga kalaban.

Mayroon ding inaasahan na ayuda mula sa PNP. Yun bang mga rubber boat.

Pero hindi pa nakasasakay ang mga pulis na sasaklolo halimbawa sa mga nalulunod na navy men ng lumubog na BRP Raja Humabon ay lumubog na rin ito.

Palibhasa, sobra ang laki ng mga makina na binili para sa mga ito kaya hindi magagamit ang mga rubber boat.

MARTILYO GANG

Nakita ninyo ang nangyari sa masaker sa Luneta?

Martilyo gang ang gumana roon at parang ganito ang itsura ng ating mga airforce at naval force sa giyera.

Mamamatay muna ang marami bago may mangyari.

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply