Glaiza de Castro lead role sa ‘Rakenrol’ dahil tipong palaban at di paseksi lang

PUMASA sa audition si Glaiza de Castro sa indie movie na “Rakenrol” ni Direk Quark Henares noong siya’y 17 years old pa lang. Napili siya ni Direk Quark dahil tipong palaban at di paseksi ang personality daw ni Glaiza.

Una palang inilapit ni Direk Quark sa Regal Films ang project niyang ito, pero gusto raw, diumano, ni Mother Lily Monteverde na leading lady sa movie ay si Heart Evangelista.

Nang ilapit naman daw ni Direk Quark sa Viva ang project ay napisil naman ng big boss ng outfit na si Vic del Rosario ay si Anne Curtis.

Pero, balitang ipinagpilitan daw ni Direk Quark si Glaiza de Castro na napili niya sa isang audition na ginawa ng magaling na director. Ang ending, siya na lang ang nag-produce ng movie na tumagal ng five years in the making.

Natapos ang pelikula sa tulong na rin ng iba pang kasamang producers ni Direk Quark na sina Dondon Monteverde at Erik Mati.

oOo

Tamang-tama ang role ni Glaiza de Castro sa Rakenrol dahil totoo namang rocker siya kapag kumakanta. Kaya rin niyang sumayaw. Bagay din sa personality ni Glaiza ang rocker na tipong palaban, pero hindi paseksi.

Anyway, ipalalabas na ang indie film na Rakenrol ni Direk Quark Henares sa Hulyo 23, Sabado, 9 p.m. sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater). Bidang babae sa movie ay si Glaiza bilang si Irene at sa lalaki si Jason Abalos bilang si Odie na parehong outsider na naging best friends dahil pareho nilang hilig ang rock n’ roll.

Kaugnay sa nasabing pagpapalabas ng Rakenrol ay may concert sa gabing iyon sa Harbour Square (kalapit ng CCP). Kasama sa concert ang Itchyworms, Ciudad, Taken By Cars, Pedicab,Techy Romantics, Halik ni Gringo at Arigato Hato.

Limang taon na binuo ni direk Quark ang Rakenrol, na ode sa Philippine rock music scene.

Sa Agosto 10 ang grand opening nito sa mga sinehan. Pero nakaikot na ito sa iba’t ibang film festival sa abroad. Kabilang dito ang Udine Far East Film Festival sa Italy, Asia Pacific Film Festival sa Los Angeles, California. Invited din sa film festival sa Hawaii, Goteborg, San Diego at New York City.

***

Nadine Samonte, super timing ang paglipat sa TV 5

NAPAIYAK sa parting shot ng mga artistang dumalo sa press launch ng “The Sisters” si Nadine Samonte. Napaluha raw ang aktres dahil sa laki ng project niya sa network, bukod pa sa pagpapahalagang ginawa ng network sa malaki at marangyanng presscon ng The Sisters na ginanap na sosyal na lugar, sa C2 event center sa Greenhills. Nang nakausap namin si Nadine pagkatapos ng presscon, nasabi niyang napahagulgol dahil sa nalula siya sa ginawang pagpapahalaga sa kanya ng Kapatid network.

Ani Nadine: “Pinakamalaking challenge sa akin ang role ko sa The Sisters dahil first time akong gaganap na dual roles sa acting career ko.”

Hindi basta-basta ang soap niyang ito dahil on location pa ito sa Batangas. Apat na araw na straight taping sila roon. Malalaking stars rin ang kasama na kinabibilangan ng nagbabalik showbiz na si Leandro Muñoz, Eddie Garcia, Susan Africa, Victor Silayan, James Blanco, Wendelll Ramos at Zoren Legaspi.

Ipalalabas ito sa primetime slot ng TV5 pagkatapos ng “Bangis,” bilang kapalit ng “Babaeng Hampaslupa.”

***

NAHAHANAY na ngayon si Rocco Nacino sa comedy. Influence ba ito ng sinasabing “pinaka-close” na babae sa buhay niya, si Sheena Halili? Kilala si Sheena na magaling sa comedy, samantalang si Rocco ay nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan sa showbiz.

Pero, nadadalas ang kanyang guestings sa “Bubble Gang,” ibig sabihin ay nakakaagapay siya sa mga comedy skits ng show. Lalo na kailangan ang pagiging magaling sa comedy sa gags portion ng show. Tampok this week ang gags tungkol sa marriage proposal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply