Gloria admin ‘secrets’ lumalabas na!

TILA, tumatalab na ang isinusulong na ‘Tuwid na Daan’ at ‘Kung Walang Korap, Walang Mahirap’ battlecry ni Pangulong Noynoy Aquino.

Aba’y, kapansin-pansin na kaliwa’t kanan ang lumalabas na mga personalidad na nagsisiwalat sa mga sikreto ng nakaraang administrasyong Arroyo.

Pakiwari natin, tinamaan na o nakonsensya na ang mga ito kaya naglalabasan sa kanilang mga lungga para ihayag ang nalalaman.

Maaari ding nais lang nilang malibre sa ‘kamay ng batas’ kaya sila’y isa-isa nang nagsusumbong sa pamahalaang Aquino.

Sa tingin kasi natin, pursigido ang gobyerno ni PNoy na habulin at panagutin ang mga nagtarantado noong panahon ni Arroyo.

Kapag sila kasi ay tutulong sa pamahalaan, maaari silang isailalim saWitness Protection Program ng Department of Justice.

At kapag naging ‘witness’ sa krimen na nalalaman dahil sila’y naging bahagi nito, sila’y nalilibre sa pananagutan sa batas.

Maaari ring ang kanilang adhikain ay para tulungan na ang kasalukuyang administrasyon para mabura na ang korapsyon.

Siguro eh, nagsasawa na rin sila sa mga nangyayaring kalokohan na ayon nga kay PNoy ay ugat ng ‘di maputol-putol na kahirapan ng mga Pinoy.

Tulad ng paglabas ni Sr. Supt. Rafael Santiago na umamin bilang ‘kabahagi’ sa isi-nagawang ‘ballot switching’ pabor kay Arroyo.

‘Di lamang si Santiago, kundi ang ilan pang pulis at militar na naging kasama sa sinabing operasyon na isinagawa raw noong 2005.

Bago ang paglabas ni Santiago, nauna nang ibinulgar ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan ang nalalaman na election fraud.

Napa p!@#$%^* (&()@#a ako ng ilang beses habang binabasa ko ang salaysay ni Santiago sa Philippine Daily Inquirer.

Nasabi kong sobraaaa at napakawalanghiyaaaa pala ang nangyari sa yumao nang 2004 Presidential candidate Fernando Poe Jr.

Kumbaga, nasalaula ang election dahil sa kabuktutan ng nakaraang administrasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply