Representative Gloria Arroyo isinugod sa pagamutan

KINUMPIRMA ni dating Quezon City Rep. Maite Defensor, spokesman ni dating Pangulo Gloria Arroyo, ngayon ay 2nd district representative ng Pampanga na isinugod sa pagamutan ang huli makaraang sumama ang pakiramdam pagkagaling sa Pampanga.

Nabatid na alas-5:00 ng hapon kanina nang isugod sa St. Luke’s, Taguig  City si GMA sa hindi pa malamang dahilan.

“Yes she was rushed at St. Lukes Hospital past five in the afternoon. I just learned it when I am monitoring her location after her visit in Pampanga,” ayon kay Defensor.

Posible naman umanong tumaas ang presyon ni GMA dahil sa dami ng ginawang trabaho sa kanyang lalawigan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang naghihintay ang media people na ngayon ay nasa pagamutan na sa ilalabas na medical bulletin ng doktor ng dating Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply