GMA dadalo sa opening ng sesyon

DADALO ngayong alas-10:00 ng umaga sa pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon ng Kongreso si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo subalit sinigurong wala ito sa SONA mamayang hapon.

Pagdating ng 1:00 ng hapon ay aalis si GMA upang magtungo sa Porac, Pampanga dahil sa naunang commitment nito.

Kinumpirma ito ng kaniyang tagapagsalita na si dating Quezon City Rep. Maite Defensor.

Aalis aniya ng Batasan si GMA matapos itong dumalo sa isang close door meeting ng minority ngayong tanghali.

Samantala nakatakdang magsagawa ng press conference mamayang alas 12:00 ng tanghali ang Akbayan Party-list upang hilingin kay GMA na mag-leave.

Mananawagan sina Akbayan Reps. Walden Bello at Kaka Bag-ao kasama si dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros na mag-leave of absence na si GMA.

Ito ay sa gitna ng mga kinakaharap na kaso nito at maging ng kaniyang pamilya.

Nais umano ng Akbayan na huwag ng madawit ang Kamara sa posibleng kahihiyan habang isinasagawa ang imbestigasyon sa mga kasong isinampa laban kay GMA. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply