GMA dadalo sa SONA ni PNoy

DADALO pa rin sa State of the Nation Address (SONA) sa pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon ng 15th Congress sa Hulyo 25 si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Ito ay sa kabila ng kabi-kabilang kaso at diumano’y anomalyang ibinunyag laban sa kanya ng administrasyong Aquino.

Ani Atty. Raul Lambino, tagapagasalita ni GMA, malaki ang posibilidad na dadalo sa SONA ang dating Pangulo dahil dumadalo naman aniya ito sa lahat ng sesyon patunay ang kumpletong attendance nito kumpara sa ibang kongresista.

Bukod dito, walang nakikitang matibay na rason si Lambino upang isnabin ni GMA ang SONA sa kabila ng alegasyon nina dating ARMM governor Zaldy Ampatuan at dating Comelec officer Lintang Bedol.

Giit ni Lambino, ang umanoy rebelasyon nina Ampatuan at Bedol ay “mind conditioning” at tila may makapangyarihang kamay na nagmamaniobra sa likod ng dalawa upang ang prosecutors ay hindi makagawa ng naaayong desisyon dahil tanggap na ng publiko ang propaganda laban kay Arroyo.

Kinuwestyon din ni Lambino ang integridad at character nina Ampatuan at Bedol na aniya’y maliwanag na gusto lamang ng mga ito na maisalba ang kanilang sarili mula sa mabigat na kaso na kanilang kahaharapin.

Kahapon, July 16 ay dumating sa bansa si GMA kasama ang mister na si Atty. Mike Arroyo mula sa Europe subalit tumangging magsalita tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya.

Kabilang sa mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Arroyo ay ang paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang pag-uugnay sa kanya ni Ampatuan at Bedol sa umanoy dayaan noong 2004 at 2007.

Inulit naman ni Lambino ang panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishops Socrates Villegas sa Aquino administration na habulin ang mga maling nagawa ng nakaraang administrasyon subalit hindi upang magkaroon ng political vendetta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply