GMA didikdikin sa video doc ng 2004 polls fraud

TINIYAK ng isang senador na malaki ang tiyansang madikdik nang todo si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa malawakang dayaan noong 2004 presidential election sa ipinalabas na video documentary.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, naglalaman ang video documentary ng lahat ng dokumentandong pangyayari na magpapatunay na may naganap na dayaan kabilang ang isinagawang imbestigasyon ng Kongreso sa Hello Garci scandal.

Tatlong taong itinago ni Escudero ang video documentary kahit pa naipalabas sa ilang forum noong panahon ni Pampanga Rep. Arroyo dahil walang puwang ang kanilang kampo na mailantad nang todo ang dokumentaryo sa media noon.

Sinabi ni Escudero na binigyang buhay ng video documentary ang wiretapped conversation ni Arroyo at dating Comelec commissioner Virgilio Garcillano hinggil sa isinagawang dayaan noong 2004 Presidential elections.

Umabot sa halos isang oras ang itinagal ng dokumentaryo.

Sinabi ni Escudero na matagal na nilang itinatago ang video na ito dahil noong sinubukan nilang ipalabas sa mga forum ay palagi silang nahaharang ng administrasyong Arroyo.

“Pinalabas namin sa ilang forum pero halos, gaya ng sinabi ko nang mga panahong iyon sa ilalim ni GMA, bawat pintuan at bintanang nais namin pasukan para mahanap ang katotohanan noon palaging sinasaraduhan at sinasarhan,” paglalahad ng senador.

Hindi naman natatakot ang senador na makasuhan dahil sa pagpe-play ng wiretapped conversation nina Gng. Arroyo at Garcillano.

Aniya, bago siya makasuhan ay kailangang umamin muna ang kongresista ng Pampanga o ang dating poll commissioner na sila nga ang mga taong nairekord na nag-uusap sa dayaan sa eleksyon.

Muli namang idinepensa ni Escudero ang kanyang panukala sa pagbuo ng fact-finding commission na mag-iimbestiga sa dayaan noong 2004 presidential elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply