GMA, et al., kasuhan bago matapos ang 2011 – Miriam

NAIS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na makasuhan sa Office of the Ombudsman ang lahat ng mga tiwali at nasasangkot sa anomalya ng nakaraang administrasyon bago matapos ang taong 2011.

Hinikayat ng senadora si Pangulong Benigno Aquino III na siya mismo sana ang magtakda ng nasabing deadline.

Ganito ang pasaring ni Santiago sa mga natuklasang katiwalian at anomalya sa nakaraang admininstrasyon ni dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at ilang opisyal nito na nasangkot sa mga anomalya sa gobyerno.

“Kung mabibigo ang Pangulo na magtakda ng deadline, hindi matutugunan ang kanyang flagship program laban sa korapsiyon,” ayon kay Santiago.

Ayon kay Santiago, kung sakaling magtakda ang Pangulo ng deadline, kailangan magtalaga naman si Pangulong Aquino ng isang Ombudsman na may terminong pitong taon dahil marami ang kasong nakabinbin.

Idinagdag pa ni Santiago na dapat atasan ng Pangulo ang resolusyon ng mga kasong tulad ng korapsyon ng mga heneral sa militar at pulisya, gayundin ang ilang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

“The way to dispose of the backlog is for the President to authorize the justice secretary to appoint special prosecutors with the sole function of resolving pending cases in the Ombudsman,” ayon sa senador.

Aniya, kung hindi babawasan ng Kongreso ang oras at panahon sa mga pagdinig ukol sa iba’t ibang anomalya, hindi na narapat pang hintayin ng Malakanyang ang resulta ng imbestigasyon sa lehislatura.

“Congress takes forever to investigate anomalies.  We lose a lot of time because the senators and representatives are fishing for evidence. Some of them also try awkwardly to burnish their image in front of the TV cameras.  The public gets exasperated,” giit ni Santiago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply