GMA hindi na dadalo sa SONA ni PNoy

HINDI na dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo taliwas sa naging pahayag ni Atty. Raul Lambino, tagapagsalita ng dating punong ehekutibo.

Ayon kay Occidental Mindoro Rep. Amelita Villarosa, ito ang naging pasya ni Arroyo dahil na rin sa ilang konsiderasyon.

Inamin din ni Villarosa na siya mismo ang nagpayo sa Pampanga solon na huwag na lamang dumalo sa SONA para na rin maiwasan ang ilang hindi magandang scenario.

Sa kabila nito, dadalo naman ang ibang miyembro ng minority bloc ng Kamara sa ikalawang SONA ni Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply