GMA, iba pa maghaharap sa pagdinig ng ‘plunder’

POSIBLENG ipatawag ng Department of Justice (DOJ) ang mga dating opisyal ng pamahalaan, kabilang si dating Pangulong Gloria Arroyo at kanyang mga opisyal na sangkot sa plunder na iniimbestigahan ngayon ng kagawaran.

Ayon sa source na tumangging magpakilala, ipatatawag ang mga nabanggit sa sandaling magpasya ang panel of prosecutors na isailalim sa clarificatory hearing ang kaso.

Nabatid na gusto ng isang piskal na kasama sa panel na magkaroon ng clarificatory proceedings sa kaso upang malinawan ang mga kaakibat na isyu hinggil sa sinasabing paglilipat ng pondo ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Sinabi ng  source na tanging ang Commission on Audit (COA) lamang ang tamang ahensyang makapagdedeklara kung nagkaroon ng malversation o paglilipat sa kinukuwestiyong pondo ng OWWA.

Base sa reklamo ni dating Solicitor General Frank Chavez, ginamit sa pangangampanya ni dating Pangulong Arroyo noong 2004 presidential elections ang mahigit kalahating-bilyong-pisong pondo ng OWWA.

Una nang dumepensa si dating PhilHelalth president at ngayon ay  Civil Service Commission (CSC) chairman Francisco Duque III na naaayon sa batas ang kinukuwestiyong pondo.

Malinaw din aniya sa 2006 COA report kung kailan pumasok ang pera sa PhilHealth at kung ano ang pinagkagastusan na napunta naman para sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon naman kay dating Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pagdinig dahil wala namang iregularidad sa kinukuwestiyong pondo.

Bukod kina Duque at Sto. Tomas, nakapagsumite na rin sa DOJ ng depensa  sina Labor Secretary Rosalinda Baldoz at dating Foreign Affairs at Executive Secretary Alberto Romulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply