GMA nailipat na sa private room sa St. Lukes

DAHIL sa bumubuti na ang ng kalagayan ni dating pagulo Gloria Macapagal Arroyo ay inilipat na siya sa isang private room sa St. Luke’s sa Global City.

Ang patuloy na pagbuti ng kondisyon ni Gng. Arroyo ay  kinumpirma ng pamunuan ng St. Lukes Medical Center-Global City Taguig kung saan siya sumailalim sa operasyon.

Nabatid na dalawang araw ding nananatili sa surgical intensive care unit (ICU) ang kongresista matapos ang limang oras na operasyon sa cervical spine.

Inaasahan naman na bukas ay maglalabas ng bagong medical bulletin ang St. Lukes Medical Center.

Nitong Biyernes ay naging matagumpay ang isinagawang cervical spine surgery kay Arroyo subalit aabutin pa umano ng tatlong linggo bago tuluyang gumaling ang kongresista.

Tiniyak ni Dr. Juliet Cervantes, isa sa mga doktor ng dating pangulo na wala silang nakikitang maaaring maging komplikasyon sa operasyon.

Sa katunayan aniya ay nakagagalaw, nakapagsasalita at nakatatayo na ang dating pangulo sa kanyang kuwarto sa St. Luke’s.

Samantala, pasado alas-8:00 kaninang umaga ay namataan umanong dumalaw ang anak nitong si Luli Arroyo-Bernas.

Ayon kay Dr. Juliet Gopez-Cervantes, main attending physician ni Arroyo, mabilis ang recovery ng kasalukuyang kongresista ng Pampanga sa kabila ng edad nitong 64.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply