GMA nakauwi na, tikom ang bibig sa mga isyu

TIKOM ang bibig ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo hinggil sa mga isyung kinasasangkutan niya nang makaharap ang media sa kanyang pagdating sa bansa Sabado ng umaga.

Ang dating pangulo at dating First Gentleman Atty. Jose Miguel Arroyo ay dumating sa bansa dakong 8:55 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), lulan ng KML flight 803 mula sa Amsterdam.

Nang pagkaguluhan ng mga mamamahayag at tanungin hinggil sa mga ibinabatong akusasyon, mariing sinabi ng dating Pangulo at asawa na mayroon silang spokesman na dapat sumagot sa umano’y pagkakasangkot nila sa maanomalyang pondo ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) para mga Catholic bishop.

Hindi na nagpaunlak para ma-interview si Gng. Arroyo at asawa nito na agarang nilisan ang paliparan.

Bukod kay Arroyo, inakusahan din ng katiwalian si dating PCSO general manager Rosario Uriate na umamin na naglabas ng P325 milyon mula sa pondo ng PCSO mula 2008 hangaang 2010.

Sinabi rin ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan at dating provincial election supervisor Lintang Bedol ang pagkaka-ugnay ni Arroyo sa naganap na dayaan sa eleksyon noong 2007.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply