GMA ooperahan Biyernes ng umaga

NAGHAHANDA na si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang operasyon bukas ng umaga.

Ito ay ayon kay Atty. Raul Lambino, tagapagsalita ni Arroyo matapos na ianunsyo ang pinakahuling medical bulletin ukol sa dating Presidente.

Ayon kay Dr. Juliet Gopez-Cervantes ng St. Luke’s Medical Center sa Global City sa Taguig City, maselan ang operasyon kay Arroyo dahil ito ay kinauukulan ng kanyang cervical spine.

Kung hindi magtatagumpay ang operasyon ni Arroyo ay maaaring maparalisa ito, ayon sa manggagamot.

Sinabi rin ni Cervantes na inaasahang tatagal ng apat hanggang limang oras ang nasabing operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply