GMA pinayuhang magpa-opera ng kanyang doktor

ISASAILALIM sa isang delikadong operasyon si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para sa isang pinched nerve sa kanyang spine, inihayag Martes ng umaga ng kanyang doktor.

Base sa medical bulletin ng St. Luke’s Mendical Center sa Taguig, si Arroyo ay ikinakasa na sa pre-operations procedures at kapag naiayos na ang lahat ay agad itong ooperahan.

Lunes ng hapon nang isugod si Arroyo sa naturang ospital matapos mag-ikot sa mga barangay sa Pampanga na kasabay naman ng ikalawang state of the nation address ni Pangulong Benigno Aquino III na kanyang di sinipot.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply