GMA posibleng maparalisa sa operasyon, doctors’ conference gagawin bukas

BAGO isalang sa operasyon si dating Pangulong Gloria Arroyo ay maagkakaroon muna ng doctors’ conference bukas para pag-aralan kung paano isasagawa ang maselang operasyon sa kanyang cervical spine.

Sinabi ni Maite Defensor, spokesperson ni GMA, may kakibat pa ring peligro o risk ang gagawing operasyon kaya dapat pagplanuhan.

Ayon kay Defensor, may 10 percent pa ring posibilidad na maaring humantong sa paralysis pag nagkaaberya sa operasyon.

Mahigpit naman ang utos ng mga doktor kay GMA na huwag magpagod para paghandaan ang operasyon na kailangang isagawa sa lalong madaling panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply