GMA isasailalim sa maselang operasyon

ISASAILALIM sa maselang operasyon si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa kanyang taglay na “pinched nerve” sa gulugod.

Batay sa inilabas na medical bulletin ng St. Luke’s Medical Center sa Taguig City, kailangang isailalim si Arroyo sa pre-operation procedures para sa kanyang cervical spondylosis radiculopathy, na siyang dahilan kaya’t siya’y isinugod sa ospital noong nakaraang Hunyo.

Kinakailangang magsuot ni Arroyo ng neck brace nang ilang araw para maprotektahan ang kanyang leeg.

Ayon sa pahayag ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo, nakararanas ng pananakit ng likod ang dating Pangulo noong siya ay nasa Malakanyang pa, pero ang pananakit ay tumindi noong nakaraang Hunyo.

Kahapon ng hapon ay isugod muli sa pagamutan ang dating Pangulo makaraang bumisita sa isang barangay sa Pampanga.

Si Arroyo ay isa sa 261 mababatas na dumalo sa pagbubukas ng second regular na sesyon ng Kongreso, pero umalis ito bago magsalita si Pangulong Benigno Aquino III ng kanyang ikalawang state of the nation address o SONA.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply