GMA sumagot sa kasong plunder

NAGSUMITE na ng counter-affidavit si dating Presidente at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa Department of Justice (DOJ) matapos itong kasuhan ng plunder ni dating Solicitor General Frank Chavez.

Inakusahan ni Chavez si Arroyo ng paglustay sa tinatayang P550-milyon pondo ng mga OFW.

Ayon sa dating solicitor general, ang P530 milyon mula sa kabuuang halaga ay ginamit umano ng dating Presidente sa kanyang pangangampanya noong 2004.

Isinampa ang kaso noong nakaraang Abril at nakakatatlong preliminary investigation na ang DOJ investigating panel. Kahit isa sa mga ito ay hindi dinaluhan ni Arroyo.

Nabatid na kinakailangan na magpakita ang dating Pangulo sa panel upang sumumpa sa kanyang inihaing counter-affidavit.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply