GMA uulanin ng reklamo at kaso

UULANIN ng kaso at reklamo si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasabay nito ay sinabi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino na matibay ang mga ebidensya na kanilang hawak kaugnay sa kasong isinampa  kay GMA at dating PCSO General Manager Rosario Uriarte.

“The complaint was filed on the basis of documents in our possession such as the PCSO Letter Memorandum requesting for intelligence funds with the signed approval of then Pres. Arroyo in the marginal portion,  the Commission on Audit (COA) reports and transcripts of the Senate hearing where Ms. Uriarte testified.”

Nagpahayag din ng pagdududa si Casino na maipaliliwanag pa kung paano ginastos ang may P325 milyong intelligence funds.

Inalmahan din ni Casiño ang alegasyon ni dating Secretary Raul Gonzalez na walang basehan ang reklamo.

“If our colleagues find nothing suspicious about realigning operations funds to intelligence funds only to spend it on operations funds, then there is a problem in their legal analytical skills.”

Samantala, nanawagan naman si Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares sa liderato ng Kamara na madaliin ang pagdinig ukol sa inihain nilang House Resolution 1475 kaugnay sa diumano’y daan noong 2004 at 2007 elections sa Maguindanao.

Paliwanag pa ni Colmenares na kailangang kumilos agad hindi lamang ang Kamara kundi maging ang Senado upang maisagawa ang imbestigasyon sa nasabing usapin.

Isa sa testigo sa dayaang naganap ay si Musa Dimasidsing, DepEd District Supervisor ng Maguindanao na binaril noong June 2007 matapos ang kanyang pagbubunyag kung saan si Colmenares ang tumayong abogado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply