Gobyerno pinag-iingat sa foreign policy

NAGBABALA sa Aquino government ang isang militanteng grupo na mag-ingat sa pagpirma sa mga foreign policy at karapatang pantao.

Ayon sa International League Of People’s Struggles (ILPS), malaking pagkakamali kung palalakihin ang problema ng bansa sa China hinggil sa Spratlys dahil ito lamang ang hinihintay ng US upang makialam na naman.

Ayon kay Prof. Fred Engst, lumaki siya sa China at nasisiguro niyang malapit na itong makasabay sa developed countries pagdating sa industriya, trade, finance at teknolohiya.

Samantala, binatikos naman ni Prof. Gill Boehringer, isang Australian human rights lawyer, ang umano’y madugong “human rights violations sa ilalim ng Aquino government.”

Binanggit din niya ang 48 aktibistang napatay at ang 354 political prisoners na nananatili sa kulungan.

Ani Boehringer, nakababahala ang kasalukuyang culture of impunity kahit pa iniatas na ng Supreme Court ang trial ni Gen. Palparan sa Empeno-Cadapan disappearance case.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply