Good kisser si Jason Francisco

“GOOD kisser siya. Kasi kung hindi siya good kisser, hindi naman siguro kami magtatagal ng 16 months,” natatawang sabi ni Melai.

Mahal na mahal daw ni Melai si Jason. Dahil sa pagmamahal daw niyang yun sa aktor kaya inuunawa na lang daw niya ang mga weaknesses nito.

“Si Jason, kahit ganyan ang attitude niyan, kahit para siyang abnormal, kung hindi lang talaga ako mapagtiis, hindi kami tatagal ba! Sobrang hirap niyang timplahin. Kailangan pa ng asukal, kape at saka coffeemate. Kailangan talaga ng sobrang pagmamahal nito para magtagal kayo. Kasi kung hindi ko ibibigay ang sobrang pagmamahal ko sa kanya, wala na, break na siguro kami,” sey niya sa kanyang boyfriend.

Pero biglang bawi naman si Melai sa pagsasabing: “Pero sobrang bait naman ni Jason. Wala talaga akong masabi sa sobrang bait niya. Sa pamilya niya, lahat binibigay niya. Ako nga lahat binigay niya sa akin, yung material, anything, basta lahat binibigay niya kahit mas mapera ako sa kanya. Totoo naman yun, di ba? Pag lumalabas kami, ako ang nagbabayad,” tawa na naman ni Melai.

Anyway, live na mapapanood si Melai sa Zirkoh, Morato sa Sabado, July 9. Kasama niya rin dito si Jason at sina Bugoy Drilon, April “Congratulations” Gustillo at si
Lemuel Santos with LS Band.

Mabibili ang tickets sa Zirkoh at SM Tickets.

***

WALONG shooting day na lang at matatapos na ang principal photography ng comeback lead role movie ni Laguna Governor Jorge ER Ejercito Estregan ang Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga na dinidirehe ng award winning director Tikoy Aguiluz.

Ipinagmalaki niya ang inimport niyang international fight instructor-director galing Thailand na si Seng.

“He’s a friend of Direk Tikoy Aguiluz.” Simula niyang kuwento kung paano niya nakilala ang Thailand based stunts director.

“You know naman Tikoy, he’s a very-very influential..yung koneksyon niya sa international market or film market, malawak,”  sey pa niya.

“Ang mga pelikulang nagawa ni Seng ay Ong-Bak One sa Thailand.  Tapos yung “Scorpion King 3 at saka yung Bangkok Dangerous ni Nicolas Cage.

“Mahal siya. We’re paying him in Bat, Thailand currency,” kuwento ni Gov. ER.

“First time niyang gumawa ng pelikula dito sa Pilipinas. Puro Hollywood e.” dugtong ni Gov. ER.

“Maganda yung pelikula at saka it’s in Black and White.  Gagawin yung ano nito sa Thailand, malaki rin naman ang gagastusin ng producer natin. Magkakaroon lang ng kulay yung dugo yung lalabas sa katawan ng tao. Parang Kill Bill, 300 or Shindler’s List paghahalintulad niya sa nakikitang kalalabasan ng movie niya.

Sa abroad muna unang ilalabas ang Kingpin at posibleng isali ito sa Busan Film Festival. Susunod naman ay sa Rome at Dubai. Umaasa si Gov. ER na masali sa competitive division sa festival abroad.

Sina Carla Abellana, Valerie Concepcion, Paloma at JC Parker ang mga leading lady ni Gov. ER sa movie na ito.

Ang staff ng production ang pumili sa mga nabanggit na mga aktres na nagkataong available namang magtrabaho para sa movie.

Nasa 70 percent na ang shooting ng movie kaya nga ilang araw na lang ay matatapos na ang photography ng pelikulang Kingpin. Dapat nga raw tapos na shooting nila. Na-delay lang dahil sa limang araw na walang tigil sa pag-ulan.

Nabanggit na ni Gov. ER si Baron, puring-puri niya ang nagbabagong-tao na aktor.

“Mabait si Baron” bungad niyang deskripsyon sa aktor.  “Kami ang magkasama ngayon sina John Regala, Baron. Kaming magkakasama nina Phillip dito, kaya lahat ng payo ibinigay namin kay Baron. Nakikinig naman.

“Lagi nga naming niloloko e. Sabi namin masarap ang lambanog dito. Ayaw raw niya. Ilang buwan rin siya doon (rehab). Walang alak, sigarilyo, walang girls.

“Napapanood ko na noon pa si Baron. Ako ang nag-request sa kanya dito. Para siyang younger version nang mga nagku-kontrabida.

“Kami nina John..lahat ng payo ibinibigay namin sa kanya na iwasan na yung mga dati niyang bisyo, tuluyan na siyang magbagong-buhay. Very seldom na nabibigyan ang isang artista ng isa pang break.  Like siya, sa Channel 2 siya di ba?

“Pag nagsimula yung shooting ng “El Presidente” siya ang gagawin kong Gregorio Del Pilar. Saka si John Regala rin.

“Galit nga ang producer ko dahil tatlong pelikula ang gagawin ko. After Asiong Salonga, susunod ko Emilio Aguinaldo then Boy Golden. True story ito ni Arturo Fortuna. Kung yung kay Asiong Salonga 50’s.  Eto namang Boy Golden 60’s. Ganster rin.” Pagbabalita niya uli.

Talbog!

***

SA MGA kinahaharap  na  problema, kumukuha ng lakas ang aktor na si Derek Ramsay sa mga bigating Pinoy ng “The Biggest Loser Pinoy Edition” kung saan siya ang gumaganap na game master tuwing challenges.

Pag-amin ng ultimate leading man at kilalang sports enthusiast, nakaka-inspire ang pinagdadaanan ngayon ng natitirang 11 kalahok sa pinakamalaki at nangungunang reality show sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply