‘Good’ rating para kay PNoy – SWS

“GOOD.”

Ito ang lumabas ng grado ng satisfaction rating ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS)  kasama ang Business World noong Hunyo 3-6, 2011.

Nakakuha ng +45 si Pangulong Aquino, na kumakatawan sa 62 porsiyentong “satisfied” at 17 porsiyentong “not satisfied” sa mga natanong sa nasabing survey.

Bumaba ng isang porsiyento ang satisfaction rating ng Pangulo base sa nakaraang survey ng SWS.

Matatandaang pumalo ng +64 ang kanyang rating noong Setyembre at Nobyembre noong nakaraang taon.

Subalit ayon sa SWS, ang naturang rating ng Pangulo ay nanatiling pinakamataas pa rin simula noong 1986.

Ang pinakamataas na rating na naitala ng isang pangulo ay noong 1998 sa panunungkulan ni Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply