Gov sa sedition ‘no show’ sa hearing

NABIGONG sumipot ni Kalinga Gov. Jocel Baac sa kauna-unahang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) ukol sa kanyang kasong sedisyon na isinampa ng National Press Club (NPC) dahil sa pagsugod nito sa DZRK Radyo ng Bayan sa Tabuk at umano’y pananakit nito sa anchorman ng himpilan na si Jerome Tabanganay.

Ayon kay State Prosecutor Hazel Valdez, tanging ang kampo lamang ng NPC ang dumating sa imbestigasyon at kahit ang abogado ng gobernador ay hindi nagpakita.

Magugunitang umani ng kontrobersya at pagbatikos si Baac nang mahuli sa live streaming ng nasabing himpilan ang aktong pag-atake ng opisyal sa mamamahayag habang ito ay nagsasalita sa loob ng booth ng isang istasyon ng radyo kung saan ay isinasagawa nito ang kanyang programa noong Hunyo 7, 2011.

Dahil sa hindi pagdalo ni Baac, muling nagtakda ng preliminary investigation ang kagawaran sa Hunyo 25.

Kung hindi pa rin umano makararating si Baac at mabibigong makapaghain ng sagot sa mga akusasyon ng NPC at ni Tabanganay, submitted for resolution na ang naturang reklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply