Grabeng nakawan sa Binangonan, di mapatigil

GRABEEE…araw-araw daw ang nakawan sa Kaligayahan, Brgy. Pila-Pila, Binangonan sa lalawigan ng Rizal.

Sobrang nakaaalarma na raw ang nangyayaring nakawan  at dapat ay bigyan ng pansin ito ni Mayor Boyet Ynares.

Wala raw  pakiramdam ang mga barangay kapitan at kagawad ng nasabing barangay.

Sayang ang ipinasasahod sa mga taong  yan kung hindi rin lang mapakikinabangan ng kanilang mga constituent ang mga ito.

Basahin natin ang reklamo ng mga residente ng Binagonan.

Grabeee…ang nakawan sa pugad ng Kaligayahan, Pila-Pila, Binangonan, Rizal. Sobra nakaaalarma na. Barangay kapitan, kagawad walang pakiramdam, pakiha-gupit naman po.

Sayang naman ang mga pasuweldo sa mga taong ito. Ang mga lea-der ng mga magnanakaw  ay sina alyas Jay, Benben, Chikko, Cooper, Arlon at Bonjovy. Paki-aksyunan po sana ninyo agad ito, Sir Johnny, para mahuli ang mga nabanggit na magnanakaw. Kama-kalawa lang ng gabi  ay nagkaroon ng nakawan sa eskuwelahan at isang bahay. Naaalarma na ang taumbayan dito sa sunod-sunod na pangyayari.

LOTENG SA PASIG  PADER  KAY AQUINO

Balikan natin ang operasyon ng loteng sa kaharian ni Pasig City Mayor Bobby Eusebio na pinatatakbo ng mga bagong bangkang sina alyas Romy Waway at Benjie. Malakas daw ang magpakner na ito sa hepe ni Mayor Eusebio sa City Hall na si Major Aquino.

Walang makabubuwag sa magpakner  na ito dahil sa may go-signal sila kay Maj. Aquino. Lantaran daw ang ginagawang pagpapataya ng sugal na loteng ng mga tauhan ng magpakner.

Malakas din sina alyas Waway at Benjie sa bagman ni EPD DD Supt. Francisco Manalo na si Maj. Tuliao.

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog @ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply