Grade II pupil tigok sa tricycle

PATAY habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang babaing Grade II pupil matapos itong mahagip ng rumaragasang tricycle Martes ng hapon sa San Carlos Pangasinan, sa ulat ng pulisya ngayon, Miyerkules.

Base sa police report, nakilala ang batang biktima na si Angel Catunggal, residente ng  Barangay Lipit Norte ng lungsod ng San Carlos.

Nakilala naman ang suspek na si Jordan Garcia,  22, residente rin ng nasabing lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng San Carlos PNP papauwi na sana ang biktima sa kanilang tahanan.

Tumatawid ito nang masagasaan ng paparating na tricycle na mabilis ang takbo.

Sa salayasay ng suspek, tinangka pa umano niyang iwasan ang bata subalit nahagip pa rin niya ito dahilan upang magpagulong-gulong ang biktima sa kalsada.

Agad namang naitakbo ang biktima sa pagamutan subalit habang nilalapatan ito ng lunas ay binawian din ng buhay.

Kasalukuyang nasa kustudiya na ng Mandaue PNP ang  suspek at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply