Granada sumabog sa North Cotabato 3 sugatan

TATLONG sibilyan ang nasugatan nang sumabog ang isang granada sa loob ng pampublikong palengke sa North Cotabato province, ayon sa ulat ng regional military spokesperson

Nagtamo ng tama ng shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan at nakaratay sa Makilala Medical Speacialist Hospital (MMSH) ang mga biktimang sina Felipe Alip, Jojo Lagepo at Tatme Talic, pawang residente ng Barangay Poblacion sa Makilala.

Ikinasa na ng pulisya ang pagtugis para panagutin sa krimen ang dalawang hindi nakikilalang kalalakihang lulan sa isang walang plakang motorsiklo.

Sa ulat na ipinarating ni Army 6th Infantry Division information officer Col. Prudencio Asto sa Camp Carme, naganap ang insidente dakong 8:15 Lunes ng gabi (Hulyo 25) sa loob ng isang pampublikong palengke sa Makilala town.

Ayon kay Castro, bago ang insidente ay may napansin munang dalawang lalaking sakay sa motorsiklo na umaaligid-aligid sa nabanggit na palengke.

Maya-maya lamang, napansin ng mga testigo na may hinagis na bagay ang isa sa suspek sa loob ng palengke at ilang saglit lamang ay bigla itong sumabog.

Sinabi pa ni Asto, ang motibo sa insidente posibleng personal grudge.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply