Grundy bagong import ng Boosters

OPISYAL ng si Anthony Grundy ang ihahalili kay Jeremy Wise bilang import ng Petron Blaze para sa nalalabi nilang laro sa PBA Governor’s Cup.

Inaasahang dumating si Grundy ngayon, Miyerkules, mula sa Turkey kung saan ay naglaro siya sa isang torneo doon. Magandang kredensiyal ang tangan ni Grundy kabilang dito ang pagkakapili sa kanya sa all-ACC first team sa kanyang senior season sa North Carolina State Wolfpack.

Nakalaro din siya sa National Basketball Asscociation (NBA) sa koponan ng Atlanta Hawks sa loob ng 10-day contract noong 2005-06 season.

Masusubukan si Grundy sa kanyang unang laro sa Petron Blaze Boosters sa Biyernes sa Araneta Coliseum laban sa Powerade Tigers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply