Grupo ni Arroyo ang nasa likod ni Mariano

ISUSUMITE na kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang listahan ng mga pangalan at grupo na nagtulak at nagsulsol kay dating Navy Col. Generoso Mariano kabilang ang personalidad na kaalyado ni dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Inihayag ito ni Sen. Antonio Trillanes IV sa isang panayam matapos masusing pag-aralan ang ipinalabas na video ni Mariano at nagsagawa ng sariling imbestigasyon sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Trillanes, hawak niya ang pangalan ng indibiduwal at grupo na nagsusulsol kay Mariano partikular ang mga opisyal ng AFP na pinatalsik sa puwesto o hindi nakapuwesto kaya nanggugulo sa kalagayang pulitikal sa bansa.

“Meron po (pangalan). We will have to come up with the names of these people and we will pass it directly to the President. Maliit lang naman po ang community lalo na sa Navy, ano yan eh, magkakakilala sila, and yung mga political personalities na nagtulak. At may evidence yan sa video, it’s not an amateur video, it was professionally done, even the way the statement was crafted was very really deliberate,” paliwanag ni Trillanes.

Sinabi pa ni Trillanes na inaasahan na niyang may indibidwal o grupong manggugulo sa  kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Aquino dahil marami ang natanggal sa puwesto kaya hindi na makapangurakot sa AFP.

Naniniwala rin si Trillanes na ginamit lamang kundi man nagpagamit si Mariano dahil matindi ang timing ng magpapalabas ng video at mahusay na naisagawa ang statement.

“Pinlano po yan, and yung timing nung release, week before SONA, so parang just to create noise. Whether Col. Mariano knows all about this consciously is a different thing. Baka talagang pinangakuan sya, i-record mo lang, at pag retire mo tsaka natin iano. Pero I have yet to talk to Col. Mariano directly,” ani Trillanes.

“Palagay ko ang kailangan katanungan dito  ay kung nagamit sya without his knowledge or kung  nagpagamit sya. But definitely there are some people behind this,” patapos ni Trillanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply