GSIS director nag-leave dahil sa P186-M case

NAGHAIN ng leave ang isang direktor ng Government Service Insurance System (GSIS), na dating miyembro ng board ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) matapos masabit sa P186-milyon plunder case.

Nabatid na malugod na tinanggap ng Malakanyang ang pagpa-file ng leave ni GSIS Director Danny Gozo para umano hindi maakusahan ng “favoritism.”

“I know for a fact that Mr. Danny Gozo is already taking a leave of absence from GSIS so as to avoid any appearance of favoritism in so far as being an incumbent official in the GSIS right now. So we welcome the effort or the gesture of Mr. Danny Gozo to take a leave of absence,” ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda.

Hindi naman umano pipilitin ng Palasyo na magbitiw din ang dating mga miyembro ng Pagcor board na kasalukuyang may puwesto sa gobyerno, katulad ni National Telecommunication Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba.

“Whether Cordoba is staying in NTC or not, it won’t change the fact that documents have already been submitted to the Department of Justice and it could no longer be tampered,” dagdag pa ni Lacierda.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply