Gun ban sa Iloilo inupakan ni Miriam

DUDA si Sen. Miriam Defensor–Santiago sa legalidad ng ipinaiiral na gun ban ni Western Visayas Police Director Cipriano Querol Jr., sa walong bayan sa Iloilo.

Ipinatutupad ngayon ang gun ban na inaprubahan ni PNP Chief Raul Bacalzo sa bayan ng Ajuy, Sara, Estancia, Balasan, Carles, Concepcion, Batad, at San Dionisio.

Nasasakop ng gun ban ang ika-limang congressional district ng Iloilo. Ang gun ban ay ipinatupad para sugpuin ang loose firearms at tumataas na kriminalidad sa naturang lugar.

Nabatid na tanging miyembro lamang ng PNP, military at iba pang law enforcement agencies na may opisyal na tungkulin at nakasuot ng tumpak na uniporme ang pinapayagan na magdala ng armas sa naturang walong bayan.

Ngunit, inamin naman ni Iloilo Governor Arthur Defensor na mali, padaskol-daskol at walang basehan ang gun ban. Aniya, walang state of lawlessness o talamak na kriminalidad sa apektadong lugar na siyang magiging dahilan sa pagpapairal ng gun ban.

Nangangamba si Defensor na magiging target ng pagnanakaw at kidnapping ang mga opisyal ng bayan at negosyanteng may death threats.

Naibalita naman na bumagsak sa 40 porsiyento ang crime rate mula Abril hanggang Hunyo ng taon ayon sa estadistika na nakalap naman sa Iloilo Provincial Police Office.

Kinuwestiyon ni Santiago ang pagpapairal ng gun ban dahil wala umanong naganap na imbestigasyon, pampublikong konsultasyon at pagsusuri bago ipairal ang pagbabawal upang matukoy kung kinakailangan talaga ang banm reasonable at makatuwiran.

Aniya, dapat kinonsulta ni Querol ang PNP provincial director, ang gobernador, at mga alkalde ng apektadong bayan bago ipinairal ang gun ban dahil sila mismo ang nakakaalam sa tunay na sitwasyon sa kapayapaan at kaayusan ng kanilang lugar.

Dahil dito, naghain si Santiago ng Senate Resolution No. 531 na nanawagan sa pag-iimbestiga ng Senado hinggil sa legalidad ng gun ban sa walong bayan ng Iloilo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply